Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bgy. captain, tanod nanggahasa ng kainuman

$
0
0

NASA balag ngayon ng alanganin ang isang kapitan ng barangay at kanyang chief tanod matapos manggahasa ng kainuman sa Bgy. San Antonio, Sasmuan Pampanga.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Diana, nagkayayaan silang mag-inuman ng mga kaibigan kasama ang mga suspek na sina Bgy. Captain Gil Saldi at chief tanod nito na si Armando Ocampo nitong Agosto 22, 11 ng gabi.

Ilang sandali pa ay nagkaroon ng alitan ang kainuman na si Valerie at nobyo nito dahilan para umalis ang una na sinundan naman ng iba pa nilang kainuman na sina Michael, Sonia at Roymart at maiwan ang biktima at mga suspek.

Ilang oras pa ang lumipas, dahil na rin sa kalasingan ay nakatulog ang biktima dahilan para samantalahin ng mga suspek.

Nabatid na si Saldi ang nagtanggal sa underwear ng biktima, habang hinihimas naman ni Ocampo ang maseselang parte ng katawan ng babae.

Kahit nanghihina ay nagawa ng biktima na magmakaawa sa dalawa pero hindi siya pinakinggan ng mga ito at itinuloy ang maitim na balak.

Matapos ang insidente ay iniwan ng mga suspek si Diana na agad namang nagsumbong sa kanyang kamag-anak na siyang sumama sa kanya para magsampa ng kaso laban sa dalawa.

The post Bgy. captain, tanod nanggahasa ng kainuman appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>