NAUWI sa trahedya ang pagmamalasakit ng 41-anyos na driver sa kapwa nito driver nang aksidenteng magulungan ang nauna ng pampasaherong bus na kanyang ginagabayan sa pag-atras kagabi sa Pasay City.
Dead on arrival sa Ospital ng Maynila si Richard Eugene, ng Barangay Lantik, Carmona, Cavite sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo at katawan.
Tumakas naman ang driver ng bus na si Valerio Manibo, naninirahan sa Purok 1 Dagat, Dolores, Quezon matapos ang nangyaring aksidente.
Sa imbestigasyon ni PO3 Marianito Agas ng Traffic Enforcement Unit ng Pasay Police, nangyari ang insidente sa loob ng parking area ng DLTB Bus sa Gil Puyat Avenue habang umaatras ang minamanehong bus ni Manibo.
Nagsilbing giya ang biktima at sinesenyasan ang kapwa driver sa ginagawang pag-atras nang mabundol at magulungan siya ng bus.
The post Driver na nagmalasakit, patay sa aksidente appeared first on Remate.