NAILIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang isang bakasyunistang Korean national matapos na tangayin ng malalaking alon habang lumalangoy sa isla ng Boracay.
Ang biktimang na nagpapalakas na lamang sa Boracay District Hospital ay nakilalang si Li Sung Jin, 24, tubongS Seoul, South Korea at nagbabakasyon lamang sa isla.
Sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), lumangou ang biktima kahit na malalaki ang alon kaya tinangay ito sa malalim na bahagi ng dagat.
Sa kabutihang palad, nakita ng naka-standby na lifeguard at mga miyembro ng Philippine Coast Guard ang Koreano na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya tawag ng tungkulin ay sinagip ito agad.
The post Korean national, nasagip ng PCG appeared first on Remate.