Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 Kapitan ng barkong nagsalpukan, nagsisisihan

$
0
0

SA pag-arangkada ng pagdinig ng Special Marine Board Inquiry sa banggaan ng dalawang barko na humantong sa paglubog ng MV St. Thomas Aquinas sa Cebu noong Agosto 16 na ikinamatay ng 80, nagsisihin ang dalawang Kapitan ng barko.

Unang isinalang sa pagdinig ang kapitan ng lumubog na barko ng 2Go Shipping at sinabi ni Capt. Renan Bermejo na papasok na sila ng Cebu City ng 8:23 Biyernes ng gabi nang mapansin niya ang isang barkong pasalubong sa kanila at wala ito sa outbound lane.

Ilang ulit niyang tinawagan ang kapitan ng barko subalit wala itong sagot kaya nang nasa isang milya na lamang ang distansya nila sa nasabing barko ay  iniliko na niya ng pakaliwa ang kanyang barko para maiwasan ang banggaan.

Ngunit nang lumihis naman aniya ang MV St Thomas Aquinas at saka naman kumanan ang Sulpicio Express 7 pabalik sa lane kaya nahagip ang kanyang pampasaherong barko at lumubog.

Pero giit naman ng kapitan ng Sulpicio Express 7 sa kanyang pagsalang sa inquiry na nasa tamang lane siya bago nakabanggaan ang MV Saint Thomas Aquinas.

Sinabi ni Capt. Ronilo Gilo na ang pampasaherong barko ang lumihis ng lane ilang minuto bago nangyari ang banggaan.

Nasa 7 hanggang 8-knots lamang aniya ang kanilang takbo nang makita niyang palihis na ng lane ang kasalubong na barko.

Sinubukan pa aniya niyang tawagan sa radyo ang kabilang barko ngunit walang sumasagot.

Mabilis umano ang pangyayari dahil matulin ang paglalayag ng MV Saint Thomas Aquinas.

Samantala, maging ang barkong nakabuntot sa Sulpicio Express 7 palabas ng Cebu ay isinalang sa pagdinig.

Ayon kay Captain Galipher Ian Faller ng Trans Asia Shipping, nag-request siya sa cargo vessel na mag-overtake at pinayagan naman.

Dapat aniya ay sa kaliwa ng Sulpicio siya mag-o-overtake pero nakita niyang nasa inbound lane ang cargo vessel kaya nagtuloy-tuloy siya sa outbound lane.

Sinusuportahan ng pahayag na ito ni Faller ang salaysay ng kapitan ng MV St. Thomas Aquinas na tinatahak ng Sulpicio Express 7 ang lane na dapat ay para sa mga barkong papasok ng cebu.

Samantala, posibleng ipatawag din ang kapitan ng Ocean Jet at Wessam Ocho na parehong papasok ng Cebu bago mangyari ang trahedya dahil sinasabing dumaan muna ito sa pagitan ng barko ng Trans Asia at Sulpicio.

Ayon kay Commodore Gilbert Rueras, chairman ng Special Board of Marine Inquiry na sa loob dalawang linggo ay matatapos na nila ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang may pagkakamali sa insidente.

The post 2 Kapitan ng barkong nagsalpukan, nagsisisihan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>