HINDI kinakabahan si Pangulong Benigno Aquino III sa mga grupong nagbabalak na maglunsad ng malawakang kilos-protesta sa darating na Lunes, Agosto 26, kontra pork barrel.
Ayon sa Chief Executive, mas dumami pa ang kanyang kakampi kaya’t okey lang na ihayag ng grupong sasali sa kilos-protesta ang kanilang mga saloobin sa usapin.
“Bakit tayo kakabahan, dumami ‘yung kakampi natin sa pagsasaayos sa sistema. Maraming salamat sa kanila,” ayon sa Pangulo.
Nauna rito, minaliit lamang ng Presidential Security Group (PSG) ang nakatakdang malawakang kilos-protesta sa darating Lunes, Agosto 26, para kastiguhin ang maling paggamit ng mga mambabatas ng kanilang PDAF (Priority Development Assistance Fund) o mas kilala sa tawag na Pork Barrel.
Sinabi ni PSG commander Brigadier General Ramon Mateo Dizon, wala silang nakikitang problema sa nasabing rally kaya’t bahala na aniya ang mga kapulisan dito.
“Wala naman kaming nakikitang problema dyan, there’s no concern. I’m sure the PNP can take care of it. Hindi national security concern. It’s a peace and order concern. They are not threathening the President. They have the right to free speech,” diing pahayag nito.
The post Protesta sa Agosto 26 vs pork; PNoy hindi kabado appeared first on Remate.