KORAPSIYON ang nasa likod ng kapalpakan ng flood-control program ng gobyerno kaya madalas na lubog sa baha ang mga komunidad sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon sa grupong korapsyon sa pagbaha sa Metro Manila at karatig probinsya
Kaugnay nito,nanawagan ang grupo sa mga maralita na lumahok sa protesta bukas, Agosto 23, at sa Lunes, Agosto 26, na martsa mula sa Liwasang Bonifacio patungong Luneta at Mendiola.
Ang mga pagkilos na ito ay nananawagan ng agarang pagbasura sa pork barrel system na isa umano sa pangunahing nasa likod ng kapalpakan ng administrasyong Aquino sa paghahatid ng tunay na serbisyo sa taumbayan.
Liban sa pagresolba sa dekada ng kahirapan, sana ay ginagamit na lang umano ng gubyerno sa pagtitiyak sa kahandaan ng bansa laban sa pagbaha at ibang kalamidad ang trilyong piso pondong ilang dekada nang inalalagak ng gubyerno sa mga Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga kongresista at pangulo ng bansa.
Ayon kay Carlito Badion, KADAMAY national secretary-general, dapat tumingin ang mga pulitiko sa salamin at sa kanilang bulsa sa paghahanap ng salarin sa pagbaha sa Metro Manila.
‘Kitang-kita sa panibagong paghagupit ng Hanging Habagat na hungkag ang mga flood-control program na ipinatupad ang gubyerno laban sa pagbaha sa Metro Manila at iba pang probinsya sa Luzon. Taun-taon, sa korapsyon sa loob ng DPWH, DILG, MMDA at iba pang ahensya lamang nilulustay ng gubyerno ang pondo para sa flood-control projects ng mga kongresista at maging ng Pangulo,” ani Badion.
Nakagigil pa umano ang paninisi ng gubyerno sa mga maralitang nakatira sa tabi ng mga daanan ng tubig na umano ay matitigas ang ulo, at silang nasa likod ng pagbaha sa Metro Manila.
“Walang ibang dapat sisihin ang mga pulitiko, sa pangunguna ni Pangulong Aquino, kundi ang kanilang mga sarili sa lumalalang kalagayang kinakasadlakan ng 30 milyong maralitang-lungsod sa bansa at iba pang naghihikahos na sektor sa ating bayan,” ayon sa lider.
The post Korapsyon nasa likod ng pagbaha sa Metro Manila, karatig probinsya appeared first on Remate.