PATULOY ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paghigop sa tubig baha sa Lagusnilad underpass sa tapat ng Manila City hall.
Gayunman, hindi pa tiyak kung tuluyang matatapos ang pagsipsip sa baha dahil high tide ngayong umaga hanggang alas 5:00 ng hapon bukod pa sa patuloy pa rin ang pabugso-bugsong pag-ulan.
Nabatid na ang baha sa Lagusnilad na lamang ang hindi madaanan ng mga sasakyan.
The post Baha sa Lagusnilad patuloy na pina-pump ng MMDA appeared first on Remate.