Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

DOH namahagi ng gamot kontra leptos

$
0
0

NAMAHAGI na ang Department of Health (DOH) ng gamot na doxycycline para sa mga rescue workers na tumutulong sa mga nabiktima ng pagbaha.

Ang doxycycline ay gamot na pangontra sa leptospirosis, sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga. Ito ay karaniwang nakukuha ng mga taong madalas lumusong sa baha.

“These capsules will serve as their protection from leptospirosis as they will be wading in floodwaters during rescue operations. We have already prepositioned 10,000 doxycycline capsules/tablets in Taguig, Navotas, Valenzuela, San Juan, Quezon City (15,000 capsules), Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, and Paranaque. We are giving additional stocks just in case they will need more due to the continuous rain and flooding that we are experiencing”, ayon kay  Regional Director Dr.  Eduardo C. Janairo ng DOH National Capital Region.

Maging sa mga local government unit ay namahagi rin ng gamot ang DOH para maipamahagi naman sa mga magkakasakit dahil sa pag-ulan.

“Public schools in Quezon City, San Juan, Pateros were already given doxycycline and other assorted medicines during our dengue and leptospirosis awareness campaign. Health personnel in evacuation centers are also providing doxycycline capsules to evacuees as protection from leptospirosis”, sabi pa ni Dr. Janairo.

Sa report ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), mayroon ng 133 na kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2013. Mas mababa umano ito ng 63%  kumpara sa katulad na petsa noong nakaraang taon na 357.  Ang mga biktima ay nagkakaedad nang mula 11 buwan hanggang 82, karamihan o 81%  ay mga lalaki, habang ang  22% ng mga kaso ay mula sa Lungsod ng Maynila.  Sampu na rin ang namatay sa nasabing sakit.

Kaugnay nito, sinabi ni  Dr. Janairo, nakapagsagawa na rin ng rapid health assessment (RHA) ang DOH-NCR health emergency staff at regional health representatives sa ilang piling evacuation centers sa Marikina, Quezon City at sa Pateros.

Maliban sa doxycycline capsules na pinamamahagi sa mga biktima ng biktima ng sakit,  binuksan na rin ang mga health centers at binigyan na rin ng Vitamin A ang mga bata sa evacuation areas.

Katuwang ng DOH sa ginagawang aktibidad ang Metro Manila Development Authority Flood Control Information Center (MMDA-FCIC) at ang Metro Manila Disaster Risk Reduction Management Center (MMDRRMC).

“We are on continuously monitoring events and immediately responding to health needs of those affected by Habagat, especially those in evacuation centers and emergency rescue personnel. I advise everyone who will wade in floodwaters to wear protective gears in order not to be affected by leptospirosis”, pagtatapos ni Dr. Janairo.

The post DOH namahagi ng gamot kontra leptos appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>