Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tagle sa publiko: Magtulungan, magdamayan

$
0
0

UMAPELA sa publiko si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na magtulungan at magdamayan, partikular na ngayong nararanasan ang matinding pagbaha at pag-ulan sa Metro Manila at Luzon.

Ayon kay Tagle, kailangang ipadama ng bawat isa ang pagmamahalan at pagtutulungan upang maibsan ang epekto ng masungit na panahon.

Sinabi ng Cardinal na libu-libong mamamayan ang nangangailangan ng tulong sa ngayon, maging ito ay maliit o malaki.

Nananawagan rin ang Arsobispo ng Manila sa lahat na tiyaking ligtas ang sarili, mga anak at pamilya sa matinding pagbaha.

“Ngayon po sa nangyayaring ito ay nanawagan po ako sa lahat, una ang ating kaligtasan, ang kaligtasan ng inyong pamilya, mga anak, inyong mga kapitbahay. Inyo pong isaisip, tayo po ay magdamayan, magtulungan at sa maliliit at malalaking pamamaraan ay atin pong ipadama ang pagmamahalan at pagtutulungan upang maibsan ang mga hirap na nararanasan ng marami dahil sa sungit ng panahon,” ayon kay Tagle.

Umaasa rin naman si Tagle na sa kabila ng hagupit ng kalikasan ay umiral sa isip at puso ng bawat isa ang malalim na pagdadamayan para ang sakit na dulot ng kawalan ng bahay, mga gamit at kabuhayan ay mapunan ng nag-uumapaw na pag-ibig, pagtutulungan at pakikipagkapwa -tao sa mga kapatid, mga kapitbahay at kapwa tao.

Tiniyak rin ng Cardinal na sa pamamagitan ng Caritas Manila sa pamumuno ni Father Anton Pascual at ibang organisasyon ng Simbahan ay maghahatid ng tulong ang Archdiocese ng Manila sa mga binaha na nasa iba’t-ibang evacuation centers sa kasalukuyan.

Hiniling din nito sa lahat ng may sobra sa kanilang pangangailangan na magpadala ng tulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng Caritas Manila, iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan o sa pamamagitan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Hinikayat rin nito ang mga mamamayan na manalangin at ipagdasal ang mga apektado ng Habagat na pinatindi ng bagyong Maring.

Nananawagan rin si Tagle sa lahat ng mamamayan na maging seryosong alagad ni HesuKristo at isapuso ang bokasyon bilang tagapamahala ng kalikasan.

Naniniwala ang Cardinal na kung naging mabuting tagapamahala ng kalikasan ang lahat ng mamamayan ay maiiwasan at mapigilan ang matinding hagupit ng kalamidad.

The post Tagle sa publiko: Magtulungan, magdamayan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>