ISANG mangingisda ang namatay makaraang masabugan ng dinamita habang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda.
Nakilala ang biktima na si Mateo Canales, Jr., 33, ng Barangay San Miguel, Dulag, Leyte.
Ayon kay P/Insp. Alberto Renomeron, Jr hepe ng Dulag Police Station, hindi agad nakahingi ng tulong ang biktima dahil mag-isa lang itong nangingisda sa isang sapa sa nasabing barangay.
Naputol ang kamay ni Canales bunsod ng malakas na pagsabog habang nasunog din ang ilang parte ng kanyang katawan.
Naisugod pa sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang biktima ngunit binawian din ng buhay.
The post Mangingisda nasabugan ng dinamita, todas appeared first on Remate.