PINANGUNAHAN ng tatlong dambuhalang kompanya ng langis sa bansa ang pagpapatupad ng “dagdag-bawas” sa presyo ng kanilang produktong petrolyo kaninang umaga.
Dakong alas-6 ng umaga nang tapyasan sa pangunguna ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron, Seaoil, PTT ng P0.50 ang presyo ng bawat litro ng kanilang gasoline habang nagdagdag naman sila ng .25 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 20 sentimos naman sa diesel.
Sinundan naman agad ng Total Philippines na nagbawas din ng kahalintulad na presyo ng 50 sentimos kada litro ng gasolina, at dagdag presyo na .20 sentimos sa diesel at 25 sentimos sa presyo ng kerosene.
The post Presyo ng petrolyo tinapyasan appeared first on Remate.