PATAY ang isang mister nang mahulog sa kanyang inakyat na puno ng niyog sa Legazpi City, sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Warlito Amparo, ng Panarayon, Bacacay Albay.
Nagsisi naman ang misis ng biktima na si Vilma, makaraang utusan ang kanyang mister na umakyat ng puno ng niyog para kumuha ng bunga nito na gagamitin sa lulutuing gulay dahil iyon pa ang naging dahilan ng kamatayan ng biktima.
Unang tumama ang ulo ni Warlito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
The post Mister nahulog sa inakyat na puno ng niyog, tigok appeared first on Remate.