DIDISTANSIYA na ang Kamara sa panukalang pagsisiyasat sa pork barrel scam.
Ani House Speaker Feliciano Belmonte, hindi na sila magsasagawa ng sariling imbestigasyon at magtitiwala na lang siya sa kakayahan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kahit ano pa aniya ang kalabasan ng congressional inquiry ay tiyak na marami ang pupuna sa kanilang dahil sa pag-iimbestiga sa mga kapareho nilang mambabatas.
Magugunitang ilang senador at kongresista ang nakakaladkad sa P10 billion pork barrel scam.
The post Pork barrel scam hindi na iimbestigahan appeared first on Remate.