Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Marikina pasok sa Top 10 Most Competitive Cities and Municipalities sa buong bansa

$
0
0

KINILALA ng National Competitiveness Council (NCC) ang Marikina bilang isa sa Top 10 Most Competitive Cities and Municipalities sa buong bansa, at isa sa Top 3 Most Competitive Cities sa larangan ng economic dynamism.

Ang anunsyo ay ginanap sa okasyon ng Regional Competitiveness Summit noong ika-30 ng Hulyo sa Grand Ballroom of the Intercontinental Hotel, Makati City.

Ginamit na batayan sa pagkilala ang 2013 Cities and Municipalities Competitiveness Index na sumukat sa husay ng bawat lugar ayon sa sumusunod: economic dynamism, government efficiency, at infrastructure.

Kinilala rin ang lungsod bilang isa Top 3 Competitive Cities sa larangan ng economic dynamism na sinukat ayon sa business registration figures, employment, and financial institutions. Kabilang ang lungsod ng Quezon at Koronadal sa ranggong ito.

“Ikinalulugod natin na ang pagkilala ay nagsisilbing patotoo na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang trabaho nito upang ang Marikina ay maging mahusay na lungsod. Hindi tayo makakampante na lamang sa pagkilalang ito, bagkus ay paghuhusayan pa natin upang patuloy pang umunlad ang ekonomiya ng lungsod at maging aktibo ang mga mamamayan nito,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ayon sa tala ng Business Permits and Licensing Office noong Disyembre 2012, ang Marikina ay mayroong sumusunod na uri ng negosyo: Sales (7,489); Property for Lease (2,597); Service (2,997); Manufacturing (482); Eatery (849); and Amusement (650). Ang mga bagong negosyo ay nakalikha ng 3,295 bagong trabaho. Sa kabuuan, mayroong 121, 241 miyembro ang labor force ayon sa tala ng Labor Relations and Public Employment Service Office.

Sa larangan naman ng finance, ang lungsod ay mayroong 59 commercial banks, apat na rural banks, 58 kooperatiba, at 32 lending companies as of December 2012.

The post Marikina pasok sa Top 10 Most Competitive Cities and Municipalities sa buong bansa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan