Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 negosyante at 1 broker, kinasuhan sa DOJ

$
0
0

KINASUHAN ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang negosyante at isang broker dahil sa pagpuslit ng tinatayang P26 milyong halaga ng asukal at bigas.

Kasama sa kinasuhan ng paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines at Sugar Regulatory Rules and Regulation sina Jose Hernandez, may-ari ng Highest Regard Enterprises at customs broker nito na si Michelle Napacina.

Kabilang din sa sinampahan si Roger Peniguar, may-ari ng Victorious One Enterprises.

Ayon sa BoC, idineklara ng Highest Regards Enterprises bilang steel frames, steel coiles at hinges ang mga inangkat na P10 milyong halaga ng asukal mula Thailand at bigas na tinataya namang nasa P13 milyon mula sa Vietnam noong Mayo.

Kaparehong deklarasyon din umano ang ginawa ng Victorious Enterprises noong Hunyo sa ipinuslit nilang P3-milyong halaga ng bigas mula sa Vietnam.

Ang nasabing mga kontrabando ay nasabat sa Port of Manila.

The post 2 negosyante at 1 broker, kinasuhan sa DOJ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>