Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagpapa-imprenta ng sobrang balota, itinanggi ng Comelec

$
0
0

PINABULAANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang akusasyong nag-imprenta pa umano sila ng milyun-milyong balota matapos ang May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mahirap paniwalaan at itago ang mga naturang akusasyon.

Iginiit rin ni Jimenez na maaga nilang natapos ang ballot printing para sa naturang eleksiyon.

Naniniwala rin si Jimenez na imposibleng makalusot ang sinumang mag-iimprenta ng mga dagdag na balota dahil sa dami ng safety features nito.

Aniya pa, ang mga ganitong seryosong akusasyon ay dapat na may ebidensiya upang patunayang hindi ito panggugulo lamang.

“It seems hard to believe. We know we stopped the printing early. Kung meron mang gagawa niyan it’s not an easy secret to keep… Kung may ganyang allegation dapat may substantiation din, kung hindi nanggugulo ka lang,” ani Jimenez, sa panayam sa radyo.

“Unang una, ang policy natin is one ballot is to one voter… And as any extra ballots were printed, it would have been impossible to keep it a secret, especially for the purpose na sinasabi niya,” dagdag pa ni Jimenez.

Tinawag pa nitong ‘kalokohan’ ang mga akusasyon ngunit tiniyak na pag-aaralan pa rin nila ang mga ito.

“With the caveat that we will have to look at all of his claims, to figure out how to properly respond. This is a very serious allegation. This is not something na pwedeng palusutin lang,”  aniya.

Nauna rito, inakusahan ng isang dating empleyado ng Comelec na si Atty. Melchor Magdamo ang poll body na umano’y nag-imprenta pa umano ng milyon-milyong dagdag na balota matapos ang midterm polls noong Mayo.

Nagpakita rin si Magdamo ng mga litrato ng aniya’y ilegal na mga balota, na sinasabing inimprenta sa isang pribadong opisina sa Quezon City, sa halip na sa National Printing Office (NPO) na itinatakda ng batas.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na ang mga larawang ipinakita ni Magdamo na umano’y ebidensiya sa ilegal na pag-iimprenta ay hindi sapat.  “All it showed were bundles of something. Very scant evidence to make these bombastic claims,” ani Jimenez.

The post Pagpapa-imprenta ng sobrang balota, itinanggi ng Comelec appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>