SINAMPAHAN ng physical injury ang kagawad ng Barangay matapos sampalin ng id ang SK kagawad nang umalma ang huli dahil sa paniningit ng grupo ng una habang nakapila sa Commission on Election (Comelec) upang makapagparehistro sa darating na halalan ng Barangay at SK sa Caloocan City Martes ng hapon, Hulyo 30.
Nakilala ang inireklamo na si Noel Ong, nasa hustong gulang, kagawad ng Barangay 55 ng lungsod.
Sa pahayag ni Emma Ruth Serrano, 20 SK kagawad ng Barangay 28, dakong alas-2:30 ng hapon, nasa unahan ng pila ang mga akay na botante ng suspek nang bumuhos ang ulang kung saan kumalas ang mga una.
Dahil dito, nauna sa pila ang grupo ng biktima subalit nang tumila ang ulan ay bumalik ang suspek at isinisingit ang mga akay na botante.
Dahil nagtiyaga na mabasa ng ulan ay pumalag si Serrano hanggang sa mgakaroon ng pagtatalo.
Naglabas ng ID ang suspek at walang salitang isinampal sa mukha ng biktima na naging dahilan ng kaguluhan hanggang sa dalhin sa Barangay 9 kung saan nakakasakop sa lugar upang pag-ayusin ang dalawang grupo.
Hindi nakipag-ayos ang biktima at tumuloy sa presinto at sinampahan ng nasabing kaso ang kagawad na hindi na sumipot upang magbigay ng kanyang panig.
The post Kagawad sinampal ang SK kagawad appeared first on Remate.