TARGET ng Department of Health-National capital Region ang Quiapo Church na bombahin ng anti-dengue spray.
“The Quiapo Church is one of the biggest public area that attracts thousands of crowds daily from all walks of life and this is the first time that the DOH will provide anti-dengue spraying to protect devotees from mosquito bites,” ani Regional Director Eduardo C. Janairo
“We will also conduct disinfection inside and around the church’s vicinity to prevent the spread of harmful bacteria that may cause illness and other health risks such as colds, cough and even influenza,” he added.
Ang nasabing aktibidad ay sa pakikipagtulungan ni Msgr. Jose Clemente F. Ignacio, Parish Priest ng Quiapo church.
Nabatid na isa lamang ang naturang simbahan na may pinakamaraming deboto na nagsisimba kaya naman ito ang target na ispreyhan ng kontra lamok na may dalang dengue.
Sa ngayon, mayroon nang 4,263 dengue cases sa rehiyon mula Enero 1 hanggang July 20,2013 base na rin sa datos ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU).
Ito ay 69% na mas mababa kumpara sa 13,918 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Tinatayang nasa edad na 1 buwan hanggang 94 taong gulang ang tinatamaan ng naturang sakit kungsaan karamihan sa mga ito ay nasa edad 15-49.
Lalaki naman ang may maraming naitalang tinaman ng dengue na may 54 porsyento.
Sampu na rin ang naitalang binawian ng buhay.
Ayon sa DOH-NCR, ang lungsod Quezon ang nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng naturang sakit na may 1,046 (4,494 in 2012), sinundan naman ng Manila na may 642(1,961 in 2012) at Caloocan City na may 477 (1,690 in 2012) kaso.
Kaugnay nito, nasa 50 bus terminals na rin ang na-disinfect at nabombahan ng DOH-NCR sa kahabaan ng Avenida at EDSA.
Mayroon na ring total na 12,470 households at 56 public, private schools na na-ispreyhan sa Metro Manila.
The post Quiapo Church bobombahin vs nakamamatay na lamok appeared first on Remate.