Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga residente ng N. Triangle, handa sa sorpresang demolisyon

$
0
0

ILANG taon na umanong pinaghahandaaan ng mga residente ng North Triangle ang pagbigo sa demolisyon sa kanilang lugar, kaya’t hindi umano nababahala ang mga residente sa anunsyo ni Secretary  to QC Mayor na si Taddy Palma na anumang oras ay maari ng gibain ang kabahayan ng mga nakatira sa kahabaan ng Agham Road.

Noong Huwebes, nagpahayag si Palma nakakuha na ang kanilang opisina ng Certificate of Compliance mula sa Local Housing Board ng QC, kaya’t wala ng hadlang sa pagpapalayas sa mga residente.

Kasama sa listahan ng kagyat na palalayasin ay ang mga residente sa Payatas sa likod ng Justice Cecilia Munoz High School, Dupax sa Old Balara, at tabing-estero sa West Kamias.

Ayon kay Estrelieta Bagasbas, lider ng September 23 Movement, isang lokal na alyansa ng mga residente ng North Triangle, sa naging dialogo nila kay Palma noong Hulyo 19, nangako pa ito na magpapatawag ng isang Pre-Demolition Conference upang pag-usapan kasama ang kapulisan ang anumang plano ng isinasaga nilang demolisyon.

Ngunit hindi umano nila pinanghahawakan ang salita ni Palma sapagkat napatunayan na nila sa mga naunang kaso ng demolisyon sa Quezon City na biglaan ang mga demolisyong isinasagawa ng pamahalaang panglungsod upang matiyak na hindi nakahanda ang mga residente.

Binanggit ng grupo ang marahas na demolisyon na naganap sa BIR Road sa East Triangle kung saan sinorpresa ng demolition team ang mga residente.

Tunay na sindikato

“Tatlong taon na kaming naghahanda sa demolisyon simula ng mabigo namin ang demolisyon sa EDSA noong Setyembre 23, 2010. Halos tatlong taon na kaming piniperwisyo ng sindikato na nasa likod ng QC LGU na pinamumunuan nila Herbert Bautista at Taddy Palma kasama sila Sonny Belmonte at Paquito Ochoa,” ani Bagasbas.

Sila umano ang kikita mula sa kick-back na makukuha nila mula sa proyektong Quezon City Central Business District. Gayundin, mula sa paglilikas sa mga residente ng Quezon City patungo sa mga relokasyong negosyo ng New San Jose Builders, Inc.

Samantala, kahapon ay inumpisahan na ang demolisyon ng ilang kabahayan sa Barangay West Kamias.

The post Mga residente ng N. Triangle, handa sa sorpresang demolisyon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>