PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay upang agad na mamatay ang bakteryang may bitbit na sakit na trangkaso.
Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kailangan lamang na sundin ng publiko ang payo ng Department of Health (DoH) laban sa trangkaso o flu para makaiwas dito.
Sa kabilang dako, wala namang bagong direktiba ang Pangulong Benigno Aquino III sa usaping ito.
“None so far. Parang wala pa naman po (‘yon) doon sa level that we have to implement stricter measures to travelers coming into the country,” anito.
Ibayong pag-iingat naman ang paalala ng pamahalaan sa publiko sa kakaibang lamig na dinaranas sa bansa ngayon.
“Ang (pinapaalala) nga lang po namin it’s not really more of the flu that is coming in from other countries, ‘yung sa atin din po dahil lumalamig ‘yung panahon, siguro po mas kailangan ng ibayong pag-iingat dahil nga medyo unusually cold (‘yung weather) sabi ng PAGASA. Kahit daw po tumaas ‘yung temperatura nang kaunti, mukhang magtuluy-tuloy pa rin po ‘yung cold weather that we are experiencing,”anito.