NAALARMA ngayon ang lalawigan ng Isabela dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng nagkakasakit ng dengue.
Mula noong buwan ng Enero hanggang Hulyo 24 ay umabot na ng 1626 ang naitalang kaso ng naturang sakit sa ibat-ibang bayan at lungsod ng probinsya at tatlo na ang binawian ng buhay.
Kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, nakapagtala lamang ang Provincial health Office ng 426 na kaso ngunit 10 ang namatay.
Pinakamaraming naitala naman ang lungsod ng Ilagan na may 32 kaso mula noong Enero.
Nakapagtala naman nitong nakaraang linggo ng 52 kaso ang bayan ng Alicia; 46 sa Delfin Albano; 29 naman sa Cordon at sa Ilagan ay nasa 25 ang naitalang kaso ng dengue.
Bunsod nito, magpapalabas na ng Executive Order ang pamahalaang panlalawigan upang magdeklara ng isang araw na sabay-sabay na paglilinis upang mapuksa ang lamok na nagdadala ng sakit na dengue sa Isabela.
The post 1,626 katao apektado ng dengue sa Isabela appeared first on Remate.