NAILIGTAS ang 41 pasahero mula sa isang fast craft na hinampas ng alon at malakas na hangin sa Ormoc, Leyte.
Sa report, nagtulung-tulong ang 41 pasaherong sakay ng Weesam Express, isang fast craft, sa rescue operations.
Umabot naman sa mahigit na dalawang oras ang pag-rescue sa mga pasahero kabilang ang ilang mga bata.
Nabatid na hindi na nakaalis pa ng pantalan sa Brgy.Alegria sa Ormoc City ang fast craft dahil sa malalaking alon at malakas na hampas ng hangin.
Patungo umano ng Cebu City ang fast craft ngunit hindi na ito nakalayo pa.
Binigyan naman ng assistance ng pamunuan ng fast craft ang mga pasahero kung saan isa sa pasahero umano ay kinailangan dalhin sa ospital dahil na-mild stroke.
The post 41 pasahero ng fast craft, nailigtas appeared first on Remate.