TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na huhubaran ng maskara ang mga pulis na mapatutunayang may pananagutan sa pagkamatay ng dalawang Ozamis group leaders na sina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Alan Purisima, mananagot ang mga sangkot sa pagkapatay sa dalawang kriminal at puspusan na ang ginagawang pangangalap ng ebidensiya ng Task Force Ozamis.
Sinabi ni Purisima na mayroon silang commitment kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na lutasin ang kaso sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Purisima, ipakikilala niya kay Pangulong Aquino ang mga nasa likod ng krimen kapag nasa kulungan na ang mga ito.
Kahapon sa kaniyang State of the Nation Address, nagbanta si Aquino laban sa mga pulis na nasa likod ng kwestiyunableng pagkamatay nina Cadavero at Panogalinga.
Nagbitiw pa ito ng pahayag na malapit na niyang makilala ang mga ito.
Samantala, isinailalim na sa restrictive custody sa holding room sa Kampo Crame si Supt. Danilo Mendoza, hepe ng regional special operations group (RSOG4A) at ang 13 tauhan nito.
The post Mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 2 Ozamis group leaders, ilalantad appeared first on Remate.