NAGKUKUMAHOG pa rin ang Malakanyang sa paghahanap ng beripikasyon at kumpirmasyon sa mga naglabasang balita na may Pilipinong nakasama sa mga casualty sa Algeria.
Inamin ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nahihirapan silang kumuha ng impormasyon sa bagay na ito.
“The authorities there have been very strict about the information that is going out. ‘Yung una nga po binigay lang po nila ‘yung nationality pero wala naman pong Pilipinong nabanggit doon sa impormasyon na binigay po nila,” ani Usec. Valte.
Sa kabilang dako, may good news naman sa hostage taking sa Algeria dahil may 34 OFWs na ang bitbit sa Madrid para sa tinatawag na eventual repatriation sa Pilipinas.
“We are happy to note that they are safe and sound. Sila po ‘yung mga nagtatrabaho doon sa gas plant na meron nga hong kaguluhan doon ngayon. Masaya po kami na malaman na they are physically well at safe naman po sila,” ani Usec. Valte.