AKSIDENTE ang pagkamatay!
Ito ang lumilitaw sa inisyal na resulta sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad sa dalawang batang natagpuang patay sa loob ng isang kotse sa Barangay Wawa, Taguig City.
Ani Sr. Supt Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City police, wala silang nakitang palataan na may ‘struggle’ na nangyari sa lugar na kinakitaan sa bangkay ng mga biktima na sina James Naraga, 3 at Dayne Buenaflor, 4.
Matatandaan na Marso 27 nang mawala ang dalawa, habang Hulyo 16, Martes nang makita ang dalawa sa sasakyan na pawang wala nang buhay.
Patuloy namang hinihintay ang autopsy report mula sa NBI at SOCO para maisapinal ang imbestigasyon.
The post Pagkamatay ng ‘missing kids’ freak accident appeared first on Remate.