POSIBLENG maging bagyo sa susunod na 12 hanggang 36 oras ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Philippine Sea.
Huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 360 kilometers sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar, nakapaloob sa tinatawag na inter-tropical covergence zone o hanging nagkasalubong mula sa karagatan.
Taglay ng LPA ang maximum sustained winds na 30 kilometers per hour at umuusad ito sa pangkalahatang direksyon na pag-kanluran.
Inaasahang tatahakin ng weather system ang Cagayan-Batanes Area hanggang Miyerkules.
Sakaling maging bagyo papangalanan itong Isang.
The post LPA posibleng maging bagyo appeared first on Remate.