Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Jessy Mendiola pinaasa lang ni Matteo Guidecilli

$
0
0

PAASA kung tawagin si Matteo Guidecilli ng aming source tungkol sa nangyari sa kanila ni Jessy Mendiola. Malapit na kasing maging mag-on ang dalawa at ipinakilala na ni Matt si Jessy sa parents nito sa Cebu pero bigla itong  bumitaw. Bigla siyang huminto nu’ng magpunta ito sa States na kung saan ay may show siya with Sarah Geronimo.

Tinanong namin ang aming source kung may hindi ba nagustuhan si Matteo kay Jessy at  bigla niyang tinabla ang dalaga? Hindi rin nila alam dahil parang nalaglag daw sa eroplano ang feelings ni Matteo mula nang mag-abroad.

Isa pang dahilan ay hindi na sila palaging magkasama simula nang matapos ang ‘PHR: Paraiso’. Nu’ng simulan kasi nila ito ay parehong kabi-break lang nila sa mga karelasyon.

Maaaring dahil sa kalung- kutan ay nagkagaanan sila ng loob. May mga tsika na dumadalaw na raw ngayon si Matteo kay Sarah Ge- ronimo pero hindi alam ng source namin kung totoo ‘yun dahil todo deny si Matteo na nanliligaw. Very vocal naman si Matteo noon pa na crush niya talaga si Sarah.

-0o0-

Umamin  na si Ynna Asistio sa napabalitang hiwalayan nila ni Mark Herras. Mababasa sa darlasauler. com ang text ni Ynna na “Gusto ko lang sana i-clear sana na wag na lang idamay Mama ko sa breakup namin… Wala naman siya kinalaman.. She found out through Mark, because I didnt want to tell any- one. There is no money involved in this issue.. It’s between me and Mark na lang.I know a lot of people are waiting for our explanation but maybe it’s better if sa amin dalawa na lang and whate- ver I say I’m sure some will misinterpret or won’t believe so di na lang ako magsasalita.. I dont know paano i-put in words kasi eh…”

Kinumpirma rin ni Nadia Montenegro, ina ni Ynna na totoong hiwalay na ang dalawa at nagpaalam na si Mark sa kanya. Pero umaasa raw siya na magkakaayos pa rin ang mga ito at magkakabalikan pa rin. Pero kung hindi na raw yun mangyayari, sana raw ay makatulong ang break-up  nila sa kanilang pagkatao at manatiling friends.

Anyway, kahit hiwalay na raw si Mark sa kanyang dalaga ay hindi pa rin daw magbabago ang trato niya rito bilang anak-anakan.

Bagamat may pinagdadaanan ngayon si Mark, tuloy pa rin ang pagiging team leader niya ng Tropang trending sa Sunday All Stars na napapanood sa GMA 7 tuwing 12 noon ng Linggo.

Matindi ang pressure nga yon ni Mark dahil kailangang mapanindigan niya ang  two weeks na  wagi ang grupo nila nu’ng si Mark Bautista pa ang lider. Ang Tropang Trending pa rin kaya ang winner at matatalbugan pa rin ang Tweet Hearts ni Julie Anne San Jose, ang Instagang ni Glaiza De Castro at Ligang iLike ni leader Louise Delos Reyes?

-0o0-

Pumutok na ang balitang hiwalay na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto pero umiiwas siya na pag-usapan ito. Imbudo ba siya kapag may intriga siyang hinaharap sa buhay? “Hindi, kasama naman sa trabaho yan. Pero pag may mga ganun dapat hindi dinadala sa trabaho yung mga yun. Hindi tayo dapat magpapaapekto sa mga bagay-bagay na ganyan,” bulalas niya.

Kung ire-rate niya from one to one hundred ang happiness niya sa personal niyang buhay ngayon, what would it be? “Paiba-iba e, depende sa gising,” bulalas niya sabay tawa.

Kumusta si Raymart ngayon sa personal niyang buhay?

“Okay okay naman na ako. It could have been better, but for now, kung ano yung nandiyan, iyon na lang muna ang pagtutuunan ng pansin,” deklara niya.

Paano niya hinaharap ang mga pinagdadaanan niya ngayon?

“Pagluluto, or pag-entertain ng mga friends, pagdyi-gym. ‘Yun ang focus ko rin e, yung parang hindi na tayo bumabata, hindi ba? Magku-kuwarenta na ako. Kung wala kong ginagawa, magpupunta lang sa gym. Usually ganun lang hindi ako mahilig lumabas e,” sambit pa niya.

Balita rin na hindi siya dumalo sa kaarawan ng anak niyang Sabina. Ano ang regalo niya nu’ng nag-birthday ito kamakailan? “Ang aking pagmamahal,” mabilis niyang sagot na tumatawa.

Wala siyang gift kay Sabina?

“Meron, sa amin na lang yun,” matipid niyang sagot.

-0o0-

Aminado si Kaye Abad na napapagod siya sa emosyon na ibinubuhos  niya bilang kontrabida at nagmamalupit kay Andrea Brillantes bilang si Annaliza. Nararamdaman din niya na marami ngayon ang nagagalit sa kanyang role bilang si Stella na walang pakundangan na inaapi si ‘Annaliza’.

Sa mga social networks ay nagco-comment sila kay Kaye na grabe raw ang kasamaan niya samantalang hindi naman siya kagandahan. Tinatawanan na lang niya ito at sign ‘yun na effective siyang kontrabi- da ng unang Primetime show na iniere sa ABS-CBN 2 mula Lunes hanggang Biyernes.

Samantala, open naman si Kaye sa relasyon nila ni Guji Lorenzana. Pero wala pa sa isip niya na magpakasal. Hindi pa rin siya ready at nandoon pa rin ‘yung takot factor. “Mabait naman siya, responsible, at saka may mabuting pamilya pero hindi pa lang talaga ako ready,” sabi pa ni Kaye .

“Hindi ko talaga alam, e… kahit sila Jodi (Sta. Maria) tinatanong ako, ‘Bakit, bakit?
Natu-trauma ka ba sa amin?’gumaganun siya. Sabi ko, hindi naman, hindi ko pa lang talaga siya nararamdaman pa. At saka ‘yung feeling ko, yung takot ko na mag-fail, na… kasi ang daling, ‘gusto ko na magpakasal. “O, ito magpakasal tayo.’Pero kasi, ang dami kong nakakausap na… yung nanay at tatay ko sinasabi, ‘makikilala n’yo talaga ang isa’t isa kapag magkasama na kayo sa bahay,’ kaya parang ayaw ko muna,” sey pa niya.

Tinanong din si Kaye kung ano ang comment niya sa pagsali ng boyfriend sa ‘The Voice of the Philippines’. “Sinabihan niya ako. Sabi ko, ‘Sige, try mo.’ Nagulat ako pero nakuha naman sila (kapatid ni Guji na si Grace), so happy ako sa kanilang magkapatid,” sey pa niya.

Tsuk!

The post Jessy Mendiola pinaasa lang ni Matteo Guidecilli appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>