NAPIPINTONG tumaas ng P1 ang presyo ng tinapay kapag inaprubahan ang panukala ng Philippine Association of Flour Millers, Inc. (PAFMI) na itaas sa 20% ang 7% buwis sa ini-import na Turkish flour.
Ayon kay Ernesto Chua, presidente ng Malabon Longlife Trading Corporation, ang Turkish flour ang ginagamit ng mga panadero sa Pilipinas, dahil mas mura ito ng P200 kada sako kumpara sa local flour.
Ayon kay Chua, kung papayagan ng Department of Agriculture (DA) ang petisyon ng PAFMI na gawing 20% ang buwis, magpapantay na ang presyo ng imported at local flour na magreresulta sa pagmamahal ng presyo ng tinapay.
Nakatakda namang pag-usapan ng National Price Coordinating Council (NPCC) sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isyu sa darating na linggo.
The post Presyo ng tinapay tataas appeared first on Remate.