PINAYUHAN ng isang grupo ng truckers ang pamahalaan na magtalaga ng traffic czar sa Metro Manila upang masolusyunan ang trapiko.
Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan, ani LTO at dating pinuno ng LTFRB Alberto Suansing, naniniwala siyang kailangan ang isang personalidad na tututok lamang sa implementasyon ng mga batas sa trapiko sa Metro Manila.
Kailangan aniya na direktang nasa pangangasiwa ng Pangulong Aquino ang traffic czar upang mas madali ang koordinasyon.
Ang pahayag ni Suansing ay kasunod na rin ng napaulat na umaabot na sa P2.4 bilyon ang nawawalang kita ng pamahalaan dahil sa buhul-buhol na trapiko sa Metro Manila.
Kailangan lamang aniya na pagkalooban ng mandato o full authority ang itatalagang traffic czar upang maiwasan ang problema sa burokrasya.
The post Traffic czar ipinatatalaga sa Metro Manila appeared first on Remate.