Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

12 senador nagsumite na ng kanilang SOCE

$
0
0

NAAYOS na nang 12 bagong senador ang mga deficiency sa kani-kanilang inihaing statements of contributions and expenses (SOCE) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang kinumpirma ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim, na tumiyak na nakasunod na ang lahat ng nanalong senador sa May 13 midterm elections na rules ng poll body noon pang Biyernes kaya’t wala nang naging hadlang sa pag-upo nila sa pwesto.

Nauna rito, inianunsiyo kamakailan ng Comelec na 11 sa 12 nanalong senador ang may deficiency sa kani-kanilang mga isinumiteng mga SOCE.

Nabatid na kabilang sa mga naturang deficiency ang pagkabigo ng ilang bagong senador na isumite ang mga kinakailangang kopya ng resibo na inisyu nila sa kanilang mga contributors habang ang iba naman ay hindi kumpleto ang isinumiteng kopya ng resibo ng kanilang expenditures at ang ilan naman ay hindi pinirmahan ng personal ang kani-kanilang sworn SOCE.

Tanging si Sen. Alan Peter Cayetano ang walang deficiency sa kanyang expenditure report.

“As early as Friday last week, all the winning senators were able to comply,” ani Lim.

Maging ang multa na itinakda ng poll body dahil sa deficiency ng kanilang mga SOCE ay nabayaran na rin umano ng mga senador.

The post 12 senador nagsumite na ng kanilang SOCE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>