Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Erap ganap nang mayor, nagtalaga ng bagong opisyal

$
0
0

“LILINISIN natin ang  kotong cops, kidnapping, extortion ,hoodlum in uniform   sa lungsod ng Maynila.”

Ito ang tiniyak ni dating Pangulo at bagong upong Mayor Joseph Estrada sa kanyang kauna-unahang press conference matapos ang kanyang panunumpa sa harap ni dating Senador Juan Ponce-Enrile.

Sinabi ng alkalde na inatasan niya na ang bagong  itinalaga at uupong district director  ng Manila Police District na si Senior Supt. Isagani Genabe  ng 100 days  upang   maituwid  ang hanay ng kapulisan kung saan laganap  ang baluktot na sistema.

Ayon pa kay Estrada, hindi magkakaroon ng balasahan sa 11 istasyon o himpilan ng MPD subalit tinaningan niya ang 11 commanders na ayusin ang kanilang mga nasasakupan sa loob lamang ng 15 days.

Kapag hindi, aniya, nila nagawa ang babala ay maaari silang mag-resign o mailipat ng puwesto.

Itinalaga rin ng alkalde bilang bagong  City Administrator si Simon Garcia, Secretary to the Mayor naman si Atty. Edward Serabio, Liberty Toledo bilang Treasurer,  City legal officer naman si Atty. Jay Flaminiano, Deputy Chief of Police si  Sr.Supt. Gilbert Cruz.

Ayon pa kay Estrada, sa kanyang panunungkulan bilang alkalde sa lungsod ay magiging transparent ito sa lahat ng mga transaksyon sa publiko sa pamamagitan ng media.

Sinabi rin nito na prayoridad nito ang peace and order dahil walang uunlad na bansa kapag walang kapayapaan.

Kaugnay nito, nanumpa rin si re-elect Vice Mayor Isko Moreno sa harap ni Acting Senate Pres. Jinggoy Estrada gayundin ang mga konsehal na nagwagi sa ibat ibang distrito na ginanap sa session hall.

Dumalo naman sa oathtaking ceremony sina Vice President Jejomar Binay, dating Manila Vice Mayor Danny Lacuna, dating Senate President Ernesto Maceda, dating House Speaker Jose De Venecia  at pamilya ni Erap sa pangunguna ng kanyang anak na si senator-elect  JV Ejercito.

The post Erap ganap nang mayor, nagtalaga ng bagong opisyal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>