Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kaso ng DOJ vs Loren, wow mali

$
0
0

ITINANGGI ng Department of Justice ang balita na umanoy inindorso na nito sa Ombudsman ang kasong katiwalian laban kay Senador Loren Legarda.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, walang katotohanan ang anumang lumabas na balita o anumang indorsement mula sa DOJ sa anumang kaso na may kaugnayan sa Senadora.

Nauna ng lumutang sa mga text messages na umano’y inindorso na ng DOJ sa office of the Ombudsman ang kasong katiwalian laban kay Legarda.

Magugunitang lumutang noon si Atty. Luois Barok Biraogo na inaakusahan nito si Legarda ng umano’y hindi pagdedeklara ng tama ng kanyang mga assets sa kanyang SALN partikular na nga ang umano’y binili nitong Condominium sa US..na nagkakahalaga ng $700,000.00.

Samantala, posibleng ilabas na ng DOJ hanggang bukas ang decision nito sa kaso ng pagpatay kay Batangas Assistant Provincial Prosecutor Alexander Sandoval.

Ayon kay APA Omar Casimiro, kung hindi man ngayong araw posibleng bukas kasabay naman ng pagdating ni PG Claro Arellano buhat sa isang komperensya mula sa bansang Tsina.

Paliwanag pa ni Casimiro, halos tapos na rin nila ni APA Laurence Bandong ang kanilang ginawang draft resolution sa kaso ng pagpatay kay APP Sandoval laban sa itinuturo namang mga utak sa krimen na mag-asawang sina Hermogenes at Anna Marie Mendoza kasama ang ilang Jhon does.

Magugunitang nauna ng nahuli si Jayson Espejo Y Guerrero, isa sa mga gunman sa pananambang kay Sandoval noong June 13 kung saan ininguso nito ang mag- asawang Mendoza bilang utak sa pagpapatay kay Pros. Sandoval./Teresa Carlos

The post Kaso ng DOJ vs Loren, wow mali appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>