PATAY ang isang lalaki nang barilin ng isang suspek habang naglalakad Biyernes ng gabi Brgy. Concepcion, Malabon City (June 28.
Patay na ng idating sa Jose Reyes Memorial Hospital si Mark Quinlog, 22, construction worker, ng Blk 22, Kapak St., Dagat-Dagatan, Caloocan City sanhi ng isang tama ng bala sa ulo ng kalibre .38.
Mabilis naming tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Lindo ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, ganap na alas 9:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa Hugnatan St. ng nasabing barangay.
Nabatid, binaril ang biktima ng suspek habang naglalakad ito a nasabing lugar,
Matapos ang pamamaril tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan ng buhay.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.
The post Lalaki binaril, patay appeared first on Remate.