SUMIPA ng 70.4 porsyento ang naitalang pumasok na mga dayuhang turista sa Negros Occidental kung ikukumpara noong 2012.
Ang datos ay batay sa inilabas na record ng Bureau of Immigration-Bacolod na ayon sa kanilang natanggap na grant na mga visa extension at applications ay umabot na sa 4,827 hanggang Hunyo 24, 2013.
Napag-alaman na noong 2012, umabot sa 8,036 ang mga visa application ang na-grant sa buong Negros Occidental.
Nangunguna rito ay ang mga Koreano na umabot sa 2,726, sumusunod ang mga Amerikano na umabot sa 529 at Japanese na may 482 na mga nai-grant na applications.
Umabot naman sa 70 iba’t ibang mga nationalities ang pumupunta sa tanggapan upang mag-apply ng visa extension.
Nangunguna pa rin ang mga Koreano na may pinakamaraming application para sa special study permit ngayong taon.
Batay sa record hanggang Hunyo 24, umabot sa 1,547 ang application para sa study permit na umabot sa 1,266 ang mga Koreano sinusundan ng mga Japanese at Taiwanese. Ito ay mas mataas ng 20 percent kumpara noong 2012.
Napag-alaman na noong 2012 ay umabot sa 2,423 ang kabuuang special study permits ang nai-grant ng BI.
The post Tourists arrival sa Negros Occ, sumipa ng 70% appeared first on Remate.