NASA National Bureau of Investigation (NBI) na ang mga matataas na uri ng baril na ginamit sa Atimonan incident noong Enero 6.
Humarap din sa media si Army Colonel Monico Abang nang isuko ang 15 baril na kinabibilangan ng M14, M16, .45 caliber at baby armalite.
Inamin naman ni Abang na nag-warning shot siya na halos kasabay lamang sa naganap na putukan mula sa Special Forces dahil ito ay kinakailangan.
Nang tanungin ng media kung bakit kailangang mag-warning shot ay hindi naman siya nakasagot.
Sinabi rin nito na bago ang police operation ay nakapagsagawa pa ng briefing sa gagawing checkpoint si P/Supt. Hansel Marantan.
Kaugnay nito, nanindigan naman si Atty. Crisanto Buella, abogado ng Special Forces na shootout ang naganap at sinabing may hawak din silang tunay na testigo na magpapatunay sa totoong nangyari sa operation kung saan nakipagbarilan aniya ang 13 sakay ng Montero.