ISANG resolusyon ang nakatakdang ihain ng oposisyon sa Kamara upang isulong na ipamahagi ng maaga ang pondo para sa conditional cash transfer program (CCT).
Ito ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez ay upang mapawi ang pagdududa ng publiko na posibleng gamitin ng administrasyong Aquino ang pondo sa pangangampanya.
Nakatanggap kasi, aniya, sila ng impormasyon na isinasabay ng gobyerno sa campaign rally o anumang pagtitipon ng partido liberal ang pagpapatawag sa mga benipisyaryo ng CCT program.
Giit ng oposisyon na dapat ay ipamahagi ang benepisyo siyam na buwan bago ang eleksyon upang maiwasan ang akusasyong ginamit ito para makapangalap ng boto pabor mga kandidato ng administrasyon.
Sinabi ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez na sa Lunes, sa muling pagbubukas ng sesyon ay maghahain sila ng resolusyon na magbibigay direktiba na ibigay sa mga CCT beneficiaries ang kanilang benepisyo.
Paliwanag ni Suarez na kung gagawin ito ng mga kandidato ay mawawala ang duda ng mga tao na gagamitin lamang ito para makadgadag sa kanilang boto.
Sa buwan naman ng Pebrero ay umpisa na ng kampanya ng mga kandidato para sa pagka-senador para sa nalalapit na 2013 midterm election.