MULING nagsanib ng puwersa sina All-Star players Kevin Durant at Russell Westbrook upang yanigin ng Oklahoma City Thunder ang Denver Nuggets, 117-97 kanina sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.
Humarabas ng sina Westbrook at Durant ng 32 at 20 puntos ayon sa pagkakasunod upang ilista ng Thunder ang pinaka magandang team standing sa NBA na 31-8 win-loss slate.
Bumira agad ng 16 points si Westbrook sa firts quarter upang manalo ang OKC ng banderang tapos.
”What can you do?” patungkol ni Durant kay Westbrook. ”He’s shooting the jump shot. If you pressure him, then he goes to the rim. It’s like a nightmare when he’s making that jump shot.
Bukod kina Westbrook at Durant sumahog pa ng 20 puntos si Kevin Martin para putulin ang six-game winning streak ng Nuggets.
”I come into the game confident, honestly, and I just come out and take the shots that’s given to me,” masayang pahayag ni Westbroo.
Si Kosta Koufos ang nag top scorer para sa Nuggets matapos magsumite ng 16 points at nine rebound.
Samantala, minarkahan ng Dallas Mavericks ang four-game streak nang talunin nila ang Houston Rockets, 105-100 habang kinaldag ng San Antonio Spurs ang Memphis Grizzlies, 103-82.
Sa ibang resulta, sinilat ng New Orleans Hornets ang Boston Celtics, 90-78 habang kinawawa ng Miami Heat ang Golden State Warriors, 92-75.
Binasag ni basketball superstar LeBron James ang inukit ni Kobe Bryant na historya sa NBA bilang pinakabatang player na umiskor ng 20,000 points.
Sinalpak ni All-Star player James ang 12-foot jumper may 2:45 minuto pa ang nalalabi sa second quarter upang ilista ang pang-20,001 puntos at pinakabatang manlalaro sa NBA na tumikada ng 20K pts. sa edad na 28 anyos.
Sa first quarter bumitaw rin ng isang assist si James tungo kay Dwyane Wade upang mapalapit na rin sa kanyang 5,000th assists mark.