KALABOSO ang isang senglot matapos i-flying kick ang barangay tanod na sasaway sa una dahil nagwawala sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Hunyo 15.
Nahaharap sa kasong direct assault si Edgar Santos, 44, ng Kawal, Barangay 28 ng lungsod.
Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling araw, umuwing lasing ang suspek at nagwala na naging dahilan upang tumawag ng mga barangay tanod ang ilang kapitbahay.
Isa si Ronald De Jesus ang rumesponde at nang sawayin ay lumabas ng bahay ang suspek sabay flying kick sa una.
Pinagtulungan madala ng mga barangay tanod ang suspek sa presinto at sinampahan ng nasabing kaso dahil sa pagwawala.
The post Senglot nanadyak ng tanod, kalaboso appeared first on Remate.