TIKLO ang 79-anyos na lolo na may kasong rape matapos ang matagal na panahong pagtatago sa Palawan .
Kinilala ang suspek na si Alberto Cotching, ng Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag sa isla ng Boracay, naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Palawan) sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bienvenido Barrios, Jr. ng Aklan Regional Trial Court Branch 6.
Ang kaso ni Cotching ay base sa reklamo ng menor-de-edad na anak ng kanyang pamangkin kung saan ang panggagahasa ay nangyari sa Boracay.
Matapos ang insidente, nagtago ang suspek sa San Jose, Puerto Princesa, Palawan hanggang sa natunton at nahuli sa kanyang pinagtataguan.
Kasong six counts ng rape ang kinakaharap ngayon ng suspek at walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matapos i-turn over ng CIDG-Palawan, si Cotching ay kasalukuyang nakakulong sa Kalibo PNP station.
The post Rapist na lolo arestado sa Palawan appeared first on Remate.