Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: Biktima ng paputok umabot na sa 173

$
0
0

INIULAT ng Department of Health (DOH) na ante-bisperas pa lamang ng Bagong Taon (Disyembre 30) ay nakapagtala na sila ng 173 bilang ng revelry-related injuries.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na naitala ang naturang bilang mula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 30.

Kabilang aniya rito ang 171 na nasugatan dahil sa paputok,  isa ang sanhi ng stray bullet at isa ang firework ingestion.

“As of 6 a.m. Dec. 30, the total firework-related injuries (climbed to) 173: 171 due to fireworks, one  stray bullet, and one case of firework ingestion,” tweet pa ni Tayag.

Nilinaw naman ng health official na mas mababa pa rin ang naturang bilang kumpara sa kahalintulad na bilang noong nakaraang taon kung kailan nakapagtala ng 216 revelry-related injuries, na kinabibilangan ng 206 fireworks-related injuries, walong stray bullet at dalawang firework ingestion.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>