Update: PATAY sa pananambang isang assistant provincial prosecutor nang ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa Batangas town kaninang umaga (Hunyo 13).
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si prosecutor Alex Sandoval.
Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nangambus sa biktima pero hinihinalang may kaugnayan ang krimen sa trabaho nito bilang prosecutor ng Sta. Teresita, Batangas.
Naganap ang insidente dakong 11 kaninang umaga (Hunyo 13) ilang metro na lamang ang layo sa Sta. Teresita municipal court.
Bago ito, sakay sa kanyang kotse ang biktima at patungo sa nasabing municipal court nang tambangan ng mga suspect.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad sa pagkakakilanlan ng may kagagawan sa krimen.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng DoJ sa pamilya ng biktima.
The post Prosecutor inambus sa Batangas, todas appeared first on Remate.