NAGKAGIRIAN ang mga security guard ng Techno Hub at mga militanteng grupo sa pagdinig ng dagdag singil sa tubig sa Quezon City kaninang umaga Hunyo 13, 2013 (Huwebes).
Ayon sa ulat, dakong 8:30 ng umaga nagkagirian ang militanteng grupong Bagong Alyasang Makabayan (Bayan) at mga security guard ng Techno Hub sa Commonwealth Avenue, Diliman,QC matapos sumugod ang mga militanteng grupo sa lugar.
Mariin tinututulan ng militanteng grupong Bayan ang planong dagdag singil sa tubig ng private concessionaires nito dahil sa kawalan ng transparency sa naturang panukala.
Nagpumilit makapasok ng mga militanteng grupo sa compound kung saan nagaganap ang public hearing ng dagdag singil sa tubig.
Tinuligsa din ng grupo ang kawalan ng interest ng private water concessionaires na ilantad sa publiko ang detalye kung magkano ang dagdag sa singil sa tubig na ipapatupad.
Hiniling din ng Bayan sa MWSS na ilantad ang detalye sa public hearing kung magkano ang panukalang dagdag singil sa tubig.
The post Mga militante at security guard nagkagirian appeared first on Remate.