Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3 local smuggled luxury cars, narekober

$
0
0

TATLONG local smuggled na sasakyan ang narekober sa Port of Manila mula sa Iligan City ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Iprinisinta sa media ni NBI-NCR Asst. Regional Director Vicente de Guzman, ang tatlong sasakyan kabilang ang dalawang Toyota hi-lux na may plakang NXI-708 at LGL- 413  at isang Starex van  na may plakang NXQ-535 na ngayon ay nasa kustodiya ng NBI Headquarters sa Maynila.

Base sa nakuhang “shipping documents” mula sa 2GO shipping, isang  Edjuddin Macabuat ang tumatayong shipper ng tatlong sasakyan at naka-consign kay Jamael Edaros.

Ayon kay de Guzman,   apat  aniya yung carnap na sasakyan subalit  maaganap  ang driver ng isa sa  Fortuner at naitakas  ito.

Lumabas sa imbestigasyon na ang naitakas na Fortuner at isang Toyota hi-lux ay pag-aari ni  Madamba Lanao, Mayor Dagoroan Mindalano at kapwa nakarehistro sa pangalan ng kanyang misis na si Jalilah.

Isinakay ang mga nabanggit na sasakyan sa  isang barko ng 2GO noong Hunyo 3 sa Port of Iligan at idiniretso sa Pier 2 ng Port of Manila.

Ayon kay de Guzman, ibabalik nila sa mga may-ari ang mga narekober na carnap vehicle sa sandaling maiprisinta nila ang mga orihinal na  registration.

Dahil naman sa pagkakaroon ng consignee sa nasabing mga sasakyan   ay maitututring umano itong local smuggling.

The post 3 local smuggled luxury cars, narekober appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>