NAKAPAGLAGAK na ng piyansa ang dalawa sa 38 mga hinihinalang miyembro ng Royal Security Force ng Sultanate of Sulu.
Batay sa rekord ng hukuman, kabilang sa mga nakapagpiyansa ay sina Alhabsi Bantunan at Ernesto Sambas.
Naglagak ang dalawa ng P82,000 kapalit ng kanilang pansamantalang kalayaan.
Sina Bantunan at Sambas kasama na ang 36 na iba pa na naaresto sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa karagatan ng Tawi-Tawi ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 118 ng Revised Penal Code o Inciting to War and Giving Motives for Reprisals, gayundin ng reklamong Illegal Possession of Firearms at paglabag sa election gun ban.
Nauna nang nagpasya ang Tawi-Tawi Regional Trial Court na bawasan ng 50 porsyento ang piyansa ng mga nasabing akusado, mula sa P164,000 ay ginawa na lamang P82,000.
Ang mga akusado ay inilipat mula sa naval facility sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi patungo ng Bongao, Tawi-Tawi detention court.
The post 2 sa RSF pansamantalang nakalaya appeared first on Remate.