BALIK-BANSA na makaraan ang walong buwang pagsailalim sa treatment sa veterinary hospital sa California ang “hero dog” na si Kabang.
Taong 2011 nang sumikat si Kabang matapos iligtas ang dalawang babae mula sa isang motorcycle accident.
Dahil sa kanyang heroic act, napinsala ang nguso at bahagi ng panga nito, maliban pa sa mga natamong sugat na nauwi sa impeksyon.
Matatandaan na isang fund raising campaign pa ang inilunsad noon para maipadala lamang sa California ang naturang bayaning aso.
Bagama’t hindi na naibalik pa ang orihinal na porma ng nguso nito, lubusan namang naghilom ang mga sugat nito bunsod ng pagtalon sa motorsiklo.
Sa Huwebes ng gabi darating sa Pilipinas si Kabang.
The post ‘Kabang,’ balik-Pinas na appeared first on Remate.