IKINAGULAT ng Malakanyang ang pagkakasama ng Pilipinas sa 17 bansa na inilagay sa blacklist ng French government dahil sa hindi maayos na paghawak ng foreign aid o Official development assistance (ODA).
Ang katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay nakausap niya si Finance Secretary Cesar Purisima hinggil sa bagay na ito kung saan ay sinabi sa kanya ng Kalihim na patuloy na tinatrabaho ng Pilipinas ang ilang inisyatiba sa French government subalit hindi aniya kailanman nabanggit ang aspetong ito.
“It seems that we’re in the company of Switzerland and Brunei, among other countries. And we’re trying to get a better handle on what it really is and what the observations are because it’s—I understand that we’re working with them on the finance side, on several initiatives, and parang wala pa daw pong nadi-discuss na ganyan. So the Finance Secretary is getting more information on that, so we can properly address it,” anito.
Sa kabilang dako, kailangan munang makuha ng Malakanyang ang scope ng isyung ito bago pa nila ihayag ang kanilang panig dahil karamihan sa mga donasyon o foreign aid ay hindi naman napupunta sa pamahalaan.
Sinabi ni Usec. Valte na recipient din aniya ng ODA at grants ang NGOs.
“So we’d like to get muna the universe of what was considered before we respond to it,” ayon sa opisyal.