AYON kay Food and Drug Ad-ministration (FDA) Director Kenneth Hartigan-Go, dahil sa pagsisikap ng Deputy Directors at mga kawani ng FDA kaya nakatanggap ang ahensya ng ISO 9001-2208 certification award.
Ipagpapatuloy ni Director Go na mapabilis ang proseso ng dokumento at maiwasan na ang pagsasayang ng mga oras. Higit sa lahat, ang pagpupunyagi para labanan ang mga ‘di maganda at ‘di dapat na mga proseso. Nais niyang mapabago ang imahe ng FDA, ito’y magiging isang mas organisado, kapani-paniwala at matiyagang organisasyon.
Ang Quality Management System (QMS) ay nagbibigay ng mga guideline at requirement para sa systematizing processes, pagbibigay ng mas malinaw na aktibidad para sa mga staff gayundin ang pagbibigay ng pitagan sa mga costumer sa kanilang probisyon sa work requirements.
Bilang bahagi ng proseso ng ISO certification, ang FDA ay nagbigay ng maraming oryentasyon at pagsasanay sa lahat ng kanyang empleyado sa pangangailangan para sa isang kalidad na management system (QMS) sa ahensyang sinertipikahan ng 9001:2008.
Mahahalagang hakbang ang kailangan upang makuha ang ISO certification tulad ng ligtas na management review, final gap assessment, preparasyon para sa sertipiko at ang third party certification audit na matagumpay na nakuha ng FDA.
“Sa ISO certification, makaaasa tayo na ang FDA ay lalong pagbubutihin ang kanyang pagseserbisyo sa pagbibigay ng lisens’ya, pagsubaybay, pag-regulate sa daloy ng food, drugs, cosmetics, medical devices, substances hazardous substances at sinisiguro rin ang kalidad at ligtas na food at drugs sa bansa,” pagwawakas ni Director Go.
Muli nanawagan ang Inyong Lingkod kay DOH Sec-retary Enrique T. Ona at kay FDA Director Kenneth Hartigan-Go, dagdagan agad ang QPIRA Accreditation Training (QPIRA) training centers. Maganda ang programa pero wala makuhang schedule ang liason officers ng food, drugs at cosmetics industry.