NILINAW ngayon ng Department of Justice na bagamat tatlong araw lamang ang inaasahang itatagal ng NBI team sa Taiwan para isagawa ang kanilang pag-iimbestiga ay hindi naman inaalis ng DOJ na maaaring mausad ito depende na lamang sa hinihinging pagkakataon.
Ayon kay Justice Sec. Leila De Lima na hindi nila inaalis na ma-extend ang pananatili ng NBI team sa lugar lalo at kaiangan pa nilang madetermina ang lahat ng kanilang kailangan sa kanilang isinasagwang imbestigasyon.
Nilinaw pa ng kalihim na ngayong naroroon na ang NBI team, inaasahan nilang matatapos na rin ang mga hakahaka at magkaroon na rin ng tuldok ang naturang insidente at manumbalik na ang magandang relasyon ng Pilipinas at Taiwan
Nauna nang tumulak kaninang alas-7 ng umaga ang NBI team sakay ng Philippine Airlines flight PR896.