Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 miyembro ng PSG na sangkot sa holdapan sa QC, masisibak sa puwesto

$
0
0

MALAKI ang posibilidad na tuluyang masibak sa puwesto o ma-demote ang 2 miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nasangkot sa pagnanakaw at di umano’y pagdadala ng baril sa isang bar sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni PSG Commander Ramon Mateo Dizon na sakali at malusutan nina Sergeant Marvin Gaton at Corporal Bobby Ates ang kasong kriminal  matapos na madawit sa di umano’y  pagnanakaw sa  isang establisimyento sa nasabing lungsod ay posibleng swak naman ang mga ito sa kasong administratibo dahil sa pagdadala ng baril.

Kasalukuyan pa ring ini-imbestigahan ang kaso nina Gaton at Ates.

“That’s a criminal offense so it’s basically the criminal courts that will take charge. ‘Yung isang kaso nila ‘yung robbery in band is a criminal offense so sasagutin nila doon sa criminal courts,” ayon kay Dizon That is also going to be reinvestigated and then, kung sa administrative, they can be discharged from the service or they can also be demoted,” sabi ni Dizon.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Dizon na malabo nang tanggapin pa niya sa elite group na PSG sina Gaton at Ates.

“Transfer out of an organization is not a punishment e.  So they’ll probably, kung ma-demote sila, they will be demoted then definitely transferred out, balik sila sa Philippine Army,” anito.

Iyon ay sa kabila ng walang nakitang derogatory records kina Gaton at Ates bukod pa sa ‘bemedalled’ at sundalo ang mga ito.

“Kaya sila nakapasok dito dahil walang derogatory reports at saka ‘ bemedalled soldier. That’s exactly the people we need, but then nung pumasok sila dito, they’re also advised that working in the Palace, with the Presidential Security Group, malaki ang demand namin sa discipline nila. So mas istrikto kami dito compared to other units. Sa ibang units, if you get away… if you do something and then get away with the reprimand, here, you will probably be demoted. Kung sa ibang commands, made-demote ka, dito idi-discharge ka because there’s no room for failure here in PSG,” aniya pa rin.

Samantala, ayaw namang mag-komento ni Dizon kung talagang may kasalanan nga ang 2 sa kanyang tauhan dahil na rin sa patuloy na imbestigasyon na nagaganap sa usaping ito.

“That’s why there’s an investigation. And that’s also why pinadala rin namin ‘yung abogado namin sa kanila para siguraduhin na maprotektahan rin ‘yung rights nila. Kasi there’s also the rights of the accused, and there’s due process na sinasabi nga, di ba. So we’re going through the process.  That’s not going to be a whitewash,” ani Dizon.

Unapela si Dizon sa publiko na huwag siraan ang institusyon dahil sa nagawa ng 2 sa kanyang mga tauhan.

“I’m sure that thousands of men and women, the uniformed services, our forces in the PNP, most of us are doing our jobs and we’re really dedicated of delivering for the public. Well, there are maybe incidents, and there are maybe scalawags in our ranks; we will never stand for this kind of criminal acts and violations of the law. We should wait until the investigation is over, and then sasampahan ng kaso  sa korte ito at lalabas ‘yung katotohanan.  ‘Yon lang naman ang hinihintay namin para naman we protect the rights also of the public and also of our people,” ang pahayag ni Dizon.

Tiniyak naman ni Dizon na mataas pa rin ang morale ng PSG kahit may ganitong uri ng insidente sa kanilang hanay dahil na rin sa itinuturing nilang isolated case lamang ito.

“It does not involve all of us; it involves maybe one or two individuals. Well, we’re all looking at the investigation but then, it does not affect our job and our performance of duty to the President and the seat of government,” ang pahayag ni Dizon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>