Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ginang aksidenteng nabaril ng kanyang dalang sumpak, tigok

$
0
0

PATAY ang isang ginang matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili habang bitbit ang kanyang sumpak sa Quezon City kahapon ng madaling araw Mayo 24, 2013 (Biyernes).

Binawian ng buhay sa FEU hospital habang ginagamot ang biktima na kinilalang si Mina Bercasio,32,may-asawa, house wife, ng 56 Lot 11, Samapa, Brgy. Greater Fairview, QC.

Ayon kay SPO1 Joel Gagasa ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 4:29 ng madaling araw sa Samapa, Brgy. Greater Fairview,QC.

Sinabi sa ulat na kausap umano ng biktima ang kanyang mga kabarangay na sina Wilma Moreno at Jomar Sumamang nang tawagin ng kanyang asawa para umuwi na ng kanilang bahay.

Habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay bitbit ng biktima ang dalang sumpak nang biglang pumutok ito at tinamaan ang biktima sa kanyang tiyan na ikinasawi nito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>